Get Adobe Flash player

PASKA-greenlogo

History of PASKA

PASKA –CCD

 

(Pandiyosesis na Sentro ng Katekesis)

 

 

KASAYSAYAN

 

Ang PASKA ay isang programa sa ilalim ng Komisyon ng Paghubog ng Diyosesis ng Malolos, ayon sa Balangkas ng Organisasyong Pandiyosesis na pinagtibay ni Obispo Cirilo R. Almario,Jr. D.D. at ng Kapulungan ng mga Pari noong Pebrero 1974.

 May 37 na taon na ngayon ang nakaraan ng isusog noon ng Senado ng Kaparian ang pagkakaroon ng pangkalahatang mangangasiwa sa apostoladong katekesis sa Diyosesis. Ito ay upang higit na mapagbuti at mapatatag ang pagtuturo ng pananampalataya. Ang dating Obispo ng Malolos, Obispo Ricardo Vidal,D.D. ang siyang naging kauna-unahang patnugot. Makaraan ang tatlong (3) taon, nalipat ang posisyong ito kay Reb. Padre Aurelio Joaquin na kung saan ang pangkalahatang sentrong pampangasiwang kateketikal ay tinawag na “PASKA” (PANDIYOSESIS NA SENTRO NG KATEKESIS) at naitalaga ang Disyembre 20,1974 bilang opisyal na araw ng pagkakatatag.

Dahil sa pagkilala at paggalang sa kakayahan at paglilingkod ng mga layko, nagsimulang magkaroon ng mga pag-aaral at pages-seminar para sa pamumuno at paglilingkod na ginaganap sa Sta. Isabel Cursillo House na regular na dinadaluhan ng may 212 katekista. Ang mga unang taon ng PASKA ay lubhang naging mabunga at maunlad kaysa inaasahan lalo pa nga at ito ay nagsisimula pa lamang sa pagpapalakas. Natapos din noong 1979 ang mga unang aklat-kateketikal na naging malaking tulong sa may 668 na katekista sa kanilang paghubog at pagtuturo.

 Taong 1981 ng muling manungkulan ang isa pang Obispo bilang patnugot, si Obispo Cirilo R. Almario, Jr., D.D. katulong ang dalawang (2) pari, Rev. Padre Jose Aguilan at Rdo. Padre Len Coronel at si Sr. Leonisa Racoma, MCST. Ang pag-unlad ng ministeryong ito ay nakikita sa patuloy na pagtatatag ng mga sentrong pambikarya at pamparokya at ito ay nangangahulugan na patuloy na dumarami ang tumutugon sa paglilingkod bilang mga boluntaryong katekista. Dito nagsimulang tawaging PASKA ang pangasiwaang kateketikal sa tatlong (3) antas : Pandiyosesis, Pambikarya, at Pamparokyang Sentro ng Katekesis . Sa loob ng mga taon ng dekadang 1980-1989 ay naisagawa ang mga pag-aaral pampaghubog. Ito ay ang Parish Trainor’s Team (PTT) para sa tagapagsalita, para sa mga nagtuturo sa elementarya at Phase 1 at Phase 11 Seminars para sa mga nagsisipagturo sa High School.

 

Taong 1989, ang mga madreng MCST (Missionary Catechists of St. Therese) ay bumalik sa kanilang diyosesis dahilan upang magkaroon ng kaunting pagkatigil sa ilang programa sa paghubog. Bagama’t hindi nawala ang pagtuturo sa mga paaralan. Ang pamamahala ay napasalin sa mga madre ng Religious Catechists of Mary (RCM) noong 1990, ang Kongregasyong itinatag nina Rev. Mo. Leonides M. Mendoza, RCM at Obispo Cirilo R. Almario, Jr., D.D. na ang pangunahing apostolado ay ang paghubog sa mga katekista sa ilalim ng pamamatnugot ni Rev. Fr. Romy Dionisio, director ng PASKA mula 1990 hanggang 1995.

    Kaugnay ng panawagan ng PCPII na propesyonal na sanayin ang mga katekista (Art.55 #2), isang sentrong pang-edukasyon ang pinagsikapang maitatag para sa sambayanan ng Malolos. Inilunsad sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya na pinamunuan ng Obispo Rolando J. Tirona, OCD,D.D (Kasalukuyang Obispo ng Diyosesis noong panahong iyon) ika-4 ng Hunyo,1998 sa ganap na ikasiyam ng umaga sa Katedral ng Malolos. Ang matumpay na okasyong ito ay dinaluhan ng may limandaang (500) katekista.  

    Ang sentrong ito ay naghahandog ng pangkateketikal, pangteolohiya,at pangpastoral na paghubog hindi lamang para sa mga katekista kund para sa lahat ng mga laykong lingkod na nagnanais makapagpatuloy ng pag-aaral at nakalaang makipagtulungan sa mga programa ng Diyosesis. Ito ay dalawang taon pag-aaral na ginaganap tuwing araw ng Sabado ika – 8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.na kung saan ang mga magsisipagtapos ay tatanggap ng Certificate Course in Catechetics.

   Sa pagtutulungan at pagkakaisa nina Fr. Mar DJ Arenas (Direktor ng Komisyon ng Paghubog), Fr. Manny Cruz (Dekano ng Kagawaran ng Teolohiya), Fr. Rodolfo Boy Cruz ( Director ng PASKA -CCD) at mga madre ng Religious Catechists of Mary sa pangunguna ni Sr. Cecilia Capiral ( Sa kasalukuyang ay siyang RCM Supreme Moderator) ay nabuo at itinatag ang institusyong pinangalanang “ Diocesan Lay Institute of Catechetics and Theology”.

      Pangunahing layunin ng Institusyon, na buhayin at palalimin ang pananampalataya tungo sa pagbubuo at pagiging propesyonal na paglilingkod ng mga layko.   Ang mga katekistang nagnanais mag-aral ay may tatlong (3) sentrong pagpipilian na malapit sa parokyang kanilang kinabibilangan, Center A- Seat of Wisdom Center, Sta. Isabel Cursillo House, Sta. Isabel, Malolos, Bulacan para sa mga taga Bikarya ng Malolos, Hagonoy, Plaridel at Sta. Maria; Center B- St. Augustine Center, St. Mary’s Academy – Baliuag Bulacan, para sa mga taga-Bikarya ng Baliwag at San Miguel; Center C –St. Francis of Assisi Center, St. Mary’s College (Gymn)- Meycauayan Bulacan, para sa mg taga Bikarya ng Valenzuela, Bocaue, Meycauayan at Sta. Maria.

        Sa kagandahang loob ng Diyosesis, ang mga mag-aaral ay walang babayaran kundi ang “tuition fee na Php. 300, at Membership fee na Php.100, ID na Php.25. ( Ang halagang Php.400. na ito ang siyang gagamitin na rin sa kanilang graduation expenses, e.g. certificate, mission cross, invitations, flowers,& snacks). Sa loob ng limang taon ang Diocese ang nagbibigay ng pambayad sa “honorarium “ ng mga pari at madreng nagsisipagturo.   Taong 2004 sa pagsusumikap ni Rev. Fr. Mar DJ Arenas, sinagot ng “Eucharistic Heart Foundation Inc.” (of the late Rev. Msgr. Virgilio Soriano), ang pambayad ng honorarium sa halagang Php.15,000.00 every month.

 

         

Read more ...

CUP

                                                                    CUP

Ang CUP ay binubuo ng Core Group, Umalahokan at PSB. Ang mga kasapi ng Core group ay ang Madreng Coordinator, President at Secretary ng bawat Vicaria. Ang Umalahokan naman ay ang opisyal na magazine ng PASKA, pinangangasiwaan naman ito ng mga katekistang may kakayahan o talento sa pagsulat ng mga articles, kwento at mga iinformation nagbibigay kaalaman sa larangan ng kasulugan,mga kasalukuyang usapin o pangyayari. May mga sariling likhang mga tula na nagbibigay inspirasyon at kapupulutan din ng aral. may mga laro din tulad ng puzzle na hango sa Biblia. Ang PSB naman ay isang samahan na binubuo ng mga katekista na dumaan sa pagsasanay upang maging tagapagsalita. Sila ang katuwang ng mga Madre sa pagbibigay ng Seminar lalo na ang Initial Formation Seminar sa mga bagong katekista, gayundin sa pagbibigay ng mga Recollection sa mga bata at mga magulang.

PSB

                                                                     PSB

Ang PSB o Paska Speakers Bureu ay binubuo ng mga katekista na dumaan sa pagsasanay upang maging mga tagapagsalita sa Diyosesis ng Malolos. Sila ang mga katekistang katuwang ng mga Madre sa pagbibigay ng seminar, lalo na ng Initial Formation Seminar para sa mga bagong katekista, gayundin sa pagbibigay ng Recollection sa mga bata sa pampublikong paaralan at sa mga magulang ng mga batang nasa ikatatlo at ikaanim na baitang.

UMALAHOKAN

                                                            UMALAHOKAN


Ang UMALAHOKAN ang lathalaing opisyal ng PASKA - CCD.Ang kahulugan ng salitang UMALAHOKAN ay " town crier"Ito ay inilalabas quarterly, at ang lahat ng katekista sa buong Diyosesis ay nakatatanggap nito upang malaman nila ang iba't ibang aktibidad na nangyayari sa mga Parokya at Bikarya sa buong Diyosesis ng Malolos.

EDITORIAL BOARD

Editor-in-Chief                                      Sis. Whilma P. Candelaria

Associate Editors                                  Southern:      Sis. Cynthia Aguda

                                                          Northern:      Sis. Cora Ballesteros

                                                          Eastern:        Sis. Annie Nicolas

                                                          Western:       Sis. Mary Censon

News Editors                                        Sis. Violy Pribado

                                                          Sis. Luna Caluag

Feature Editors                                     Bro. raul Paliza

                                                          Sis. Tess Mortel

Literary Editors                                     Sis. Cora Luci

                                                          Sis. Lita Bernardo

Circulation Manager                              Sis. Kit Bantique

Official Photographer                            Sis. Ched Lim

Layout Artist                                        Bro. Eddie M. Reyes

Treasurer                                             Sis. Thelma Sebastian

Auditor                                                 Sis. Tess Columna

Assistant Umalahokan Coordinator            Sr. Maribeth Antonio, RCM

Advisers                                                 Rev. Fr. Pros Tenorio

                                                             Rev. Fr. Lito Caliwag

                                                             Sr. Mercedes Santos, RCM

Diolicatma

DIOLIDIOLICATMA-logoCATMA

DIOCESAN LAY INSTITUTE OF CATECHETICS AND THEOLOGY
( DIOLICATMA)

The DIOCESAN LAY INSTITUTE OF CATECHETICS AND THEOLOGY of the Diocese of Malolos
( also known as DIOLICATMA) is an educational center that offers catechetical, theological, spiritual and pastoral formation. The institute caters to lay person desirous of pursuing catechetical and theological studies and of collaborating in the doctrinal and catechetical formation program of the Diocese of Malolos.
This lay institute offers a Two-Year-Certificate Course in Catechetics and Basic Theology which is intended to help the lay students acquire the knowledge and skills requires for effective catechetical and pastoral ministry.

 

 

Read more ...

Message:Could not retrieve the resource. Error: could not send the HTTP request: Could not execute the request: Failed sending HTTP request
Message:Could not retrieve the resource. Error: could not send the HTTP request: Could not execute the request: Failed sending HTTP request
Message:Could not retrieve the resource. Error: could not send the HTTP request: Could not execute the request: Failed sending HTTP request